Anonymous asked: nakakamiss naman yung love letters to nobody mo soulscorpio..
Salamat sa appreciation mo para sa mga sulat ko. Marami rami pa run sigurong sulat ang parating, huwag kang magalala. Balik tayo sa dating gawi: pasulat sulat na lang ng mga bagay bagay na hinding hindi kailanman masasabi sa personal. :)
Mukhang malalim yung heart to heart talk netong dalawang (kyut) na babaeng katabi ko dito sa fx ah.
Sabi nung isa, “I don’t know what’s worse, being friendzoned by my bestfriend, or being friendzoned through text.”
Hay ate, let me tell you now, you got off easy.
Chapter 26
Kanina habang nasa byahe papuntang opisina, kunukwenta ko kung ilang oras na ba ang naipon kong tulog nitong nakaraang dalawang araw. Medyo naging abala kasi ako sa pagaasikaso ng mga gamit sa dati kong dorm, pero hindi naman ramdam ng katawan ko yung pagod at puyat.
Ngayon ko lang naappreciate yung pakiramdam na kulang ka sa tulog at pahinga pero overruled yun lahat ng saya na nararamdaman mo dahil sa mga nangyayari at ginagawa mo sa kasalukuyan. Di tulad dati na kahit ilang oras ako matulog, paggising na paggising ko eh mas gusto ko na lang matulog uli dahil nakakawalang gana yung mga kailangan kong gawin at pagdaanan sa darating na araw.
Salamat sa bagong simula.
Sa lumipas na tatlong magkakasunod na araw, kesyo matulog akol ng maaga o hindi, para sa kung anong mahiwagang dahilan eh pilit akong ginigising ng katawan ko pagdating ng ala una ng hapon. Ang tanging naiisip kong dahilan eh dahil nitong nakaraan, ala una ng hapon natatapos ang trabaho ko at pagdating ng ala una ng hapon, automatic nang kailangan kong kontakin ka para malaman kung kumusta na ba ang araw mo at kung maayos ka lang ba.
Ngayon, alas dos na, pero eto ako, nagaabang lang.
To Nobody in Particular,
Please don’t ever let yourself become a slave to someone else again. You have the power to be happy by yourself. You don’t need anyone else to be happy at the moment. Please find the time to make yourself a priority. You’ve lived long enough as a servant to others, always placing their welfare before yours.
Please. Love yourself.
per l’amore d’avril
I guess I can’t really blame you for being innately allergic to compliments, seeing as there are so many men out there who use it as a form of currency to buy their way into your… whatever. But I want you to understand that not all men are like that. I’m not saying I’m 100% different, but I say all these nice things about you because I know that you deserve to know about them, that you need to know how special you are and, in being special, you are making me feel special by letting me be a part of your life.
The next time I tell you that you are beautiful, I want you to realize that you are, indeed, beautiful. In my eyes, more than anyone else’s, despite and in spite of the things that you believe make you less beautiful.
Ang Utol Ko’ng (Mala)Oso
Bale kahapon, naghakot ako ng gamit sa dati kong kwarto kahit hanggang sa katapusan pa ang renta ko dun. Inuunti unti ko na para hindi nasakit sa ulo pagkuha ng gamit, at ilan sa mga inuna kong kunin eh yung mga librong pinahiram sakin ni kuya. Matagal na rin kasi nyang sinisingil sakin yung mga librong yun at kelangan na raw nya, hehe.
Kanina sinasalansan nya yung mga libro sa bookshelf namin nung may napansin syang kakaiba dun sa kopya nya ng The Enchantress ni Michael Scott. Bigyan ko kayo ng unting background tungkol sa lbrong yun. Ang The Enchantress ay ang pang anim na libro sa serye ni Micahel Scott tungkolsa alchemist na si Nicholas Flamel, medyo nakakalito at para kay kuya ay s
disappointing yung final installment pero syempre dahil nasimulan na nya, kinumpleto na lang nya.
Ayun na nga, nung nilipat na nya yung libro eh napansin nyang may ilang pahinang punit sa gitna nung libro. Alam ko kung bakit at sino ag nagpunit nung mga pahinang yun (at ibang kwento na yun) pero sabi ko di ko alam kung pano yun nangyari, hehe. Now, most siblings would either flip out or reprimand you (very hard) for doing something like that to their property, pero alam nyo kung anong reaksyon ng kuya ko?
“Tol, di porke pangit at hindi mo nagustuhan yung ending ng libro eh magpupunit ka na agad ng pahina nito.” At sinabi nya sakin yan habang seryosong seryoso ang mukha nya.
Hahay, my life may be fucked up in so many other aspects, but I can say for sure that I am blessed with a very funny, solid, and supportive family.
And I guess that’s what matters, more than anything else.
Kapag nakita mo ‘yung mga nilabhan mo’ng nakasampay sa labas, nagpapatuyo sa banayad na ihip ng hangin, masasabi mo sa sarili mo na handa ka na talaga sa buhay, magiging isa kang matagumpay na tao…
Pagdating sa paglalaba lol
To Nobody in Particular,
A few years later, and here I am again, writing to you.
I guess we really are meant to be stuck with each other.
Me
- &: Nakakadepress kapag walang salamin.
- #: Bat kelangan mo pang manalamin eh ayos naman palagi itsura mo.
- &: Basta. Sa mata mo na nga lang ako mananalamin.
- #: Ay kapag dito ka nanalamin, laging maganda ang makikita mo. Lagi ka naman kasing maganda sa mga mata ko.