Bubalus Mindorensis

Minsan natatawa nalang ang mga kaibigan ko saken sa tuwing nagkukuwento ako ng mga kustome rna kinaiinisan ko sa tindahan. Ang isa sa mga pinakakinaaaywan kong uri ng kustomer eh ‘yung bibili pero kulang ang pera, tapos mangangakong ibabalik ‘yung kulang pero pagdating ng limang taong paghihintay eh wala na, hindi na nakaalala, tangina.

“Kaw naman pre, piso lang ‘yun eh, hayaan mo na, haha,” sabi nila. Oo, piso lang siguro ‘yun, kayang kaya kong kitain sa loob ng limang minutong paghihintay sa tindahan, pero hindi ‘yun ang isyu eh. ‘Yung pagbibitaw ng assurance, pagsasabi ng panigurado, na “ay kuya, balik ko nalang mamaya ‘yung kulang ah, salamat!” ang nakakapanggalaiti para sa akin. Betrayal of trust. Pagkaliit liit na bagay, na nagbigay ka ng salita, tapos hindi mo tutuparin. Walang kaso sa akin ‘yan ke piso man o isang daan ang usapan. Sinabi mo eh, dapat panindigan mo. Imbyerna.

Kaya ngayon, sa bawat kustomer ko na magkakaganun, mabilisan ang pagtanggi ko sabay bawi ng paninda at pasupladang sasabihin na “sige, kunin mo muna ‘yung kulang mo, tapos mag-usap tayo.”

  1. chupetto said: sa tindahan naman namin eh yung problema namin yung di nagbabalik ng bote
  2. theskepticbitch said: betrayal of trust
  3. angboyfriendmo posted this