Madalas nating marinig sa mga balita ‘yung kakaibang katapatan ng mga tao sa paligid natin na kapag nakakakita o naiiwanan ng mga bag o kaya eh pitaka na may lamang pera eh walang alinlangan na isinasauli ito sa may ari kung may identification man sa loob ng mga ito, o kung hindi man eh idinadaan pa sa estasyon ng radyo para maipanawagan sa nawalan

Ako kasi, sa palagay ko kung ganun ang madadaan sa akin, hindi ko maiiwasang bumigay (ahay!), siguro kukupit ako ng kaunting halaga para sa sarili ko tapos saka ko isasauli ng hindi nila alam sa kabahayan nila, o kaya kung pitaka man eh hindi ko na isasauli ng may laman. Masamang gawin nga, oo, pero sa estado ko ngayon, kung anumang advantage ang dumaan sa akin eh kukunin ko na siguro, karma be damned, and hope that in the future, mas magiging maingat ‘yung mga taong minalas.

Kaya siguro hindi hinahayaan ni Boss God na may mangyari sa aking ganito, kasi alam Niyang marupok ako.

  1. angboyfriendmo posted this