Hindi na ako nakakapagsulat sa’yo, blog ko.
Mula nung naging full time na ako ulit sa pagtatrabaho, nawala na ‘yung oras ko para sa’yo; para na lang akong lurker dito at nakikibasa ng kagalingan at kahusayan ng ibang tao, spectator sa isang laro na saling pusa na lang ako. Pero ganun talaga eh. Siguro nga totoong hindi mo pwedeng angkinin ang lahat ng bagay sa mundo, at kapalit ng ilang mabubuting bagay na mangyayari sa iyo eh meron kang kailangang iwanang isang magandang bagay na matagal mo ring pinanghawakan at nagbigay sa’yo ng kasiyahan. You can never have too much ika nga, give chance to others, sabi naman ng iba.
Miss na kita. Miss ko na’ng maglabas ng saloobin at magkwento sa’yo ng mga bagay na hindi ko masabi sa ibang tao [which is ironic, considering that you’re open for the public to read omglol I’m not making sense anymore.]
Pero ayos lang. Mas gugustuhin ko na siguro ‘yung ganito, ‘yung hindi tayo madalas magkadaupang palad para naman nami-miss mo ako. Mabuti nang maging masyadong abala sa isang bagay na nagbibigay naman sa akin ng magandang balik kesa nagpapasikat nga ako dito, lugmok naman ako sa kalungkutan pagalis ko at pagbalik ko sa tunay na mundo.
Dyan ka na ah. Hindi ko alam kung kailan ulit kita mabibisita dito, pero wagkamagalala, hindi kita kakalimutan, dahil minsan mo narin akong hindi pinabayaan.
-
tenextragravy liked this
-
tenextragravy reblogged this from angboyfriendmo
-
happytobealone liked this
-
futuregirlfriendmo liked this
-
wagasngumitii liked this
-
georgianthoughts liked this
-
mapacla liked this
-
pilosopotasyaa said:
balik po kayo :3
-
pilosopotasyaa liked this
-
theskepticbitch liked this
-
jonns liked this
-
akosidareen liked this
-
superaejey liked this
-
lunaticoder liked this
-
bulelyl liked this
-
superficialdamage liked this
-
akosiizay liked this
-
crannequin liked this
-
shiwangwang liked this
-
jhnsx liked this
-
herficklemind liked this
-
alybangbang liked this
-
angboyfriendmo posted this